Nakitaan ng pagbaba sa bilang ng kaso ng mga insidenteng kinasasangkutan ng mga bata o mga child-related crimes sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office – Women and Children Protection Desk (WCPD), naitala ang 336 na kaso mula Enero 1 hanggang nitong August 20, 2025, kung saan mas mababa na kung ikukumpara sa bilang ng kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon na nasa 473.
Ilan sa pinakakaraniwang krimen ay ang acts of Lasciviousness, rape, reckless imprudence resulting in physical injury, at child abuse and exploitation.
Sa pagpapaigting pa ng proteksyon ng mga bata, isinusulong ngayon sa pangunguna ng hanay ng kapulisan sa lalawigan ang iba’t-ibang programa tulad ng school-based information drives, abuse prevention talks na ibinababa sa mga komunidad at public awareness campaigns ukol sa child safety.
Pinalalakas din ang mga checkpoints sa bisinidad ng probinsya upang mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.
Samantala, nauna nang nagpahayag ang ilang mga magulang sa Pangasinan ukol sa kani-kanilang hakbang upang masiguro na hindi masasangkot o magiging biktima ang kanilang mga anak sa anumang uri ng krimen o karahasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







