
Nanindigan ang China na wala silang interes at hindi makikialam sa halalan sa Pilipinas at sumusunod ang China sa kanilang prinsipyo na hindi nakikialam sa internal affairs ng ibang bansa , ayon yan sa tagapagsalita ng Embahada ng China sa Pilipinas.
Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Senator Imee Marcos kung saan sinabi nito na dina-divert ng administrasyon ang mga issue sa bansa tungkol sa West Philppine Sea at China.
Pinuna ng Embahada ang paggamit ng mga politiko sa Pilipinas sa tinatawag na “China card” para sa kanilang pampulitika at pansariling interes at upang palakasin ang kanilang kandidatura sa halalan bago ngayong darating na midterm election.
Sinabi ng Embahada ng China na sila ay palaging nakatuon sa pagpapalawak ng pagkakaunawaan sa pagitan ng China at ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Giit din ng Embahada na mahigpit nilang tinututulan ang anumang akusasyon sa China at kinokondena ang anumang sagabal sa function ng Embahada.