China, nanindigang hindi pwedeng angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise

71

Manila, Philippines – Nanindigan ang China na hindi pwedeng angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise.

 

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, ang Benham Rise ay bahagi pa rin ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Beijing.

 

Nagmatigas din ang China na sa kabila ng pag-award ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf sa claim ng Pilipinas sa Benham Rise noong 2012 ay hindi pa rin ito nangangahulugang teritoryo na ng Pilipinas ang naturang lugar.

 

Matatandaang namataan ang mga survey ships ng China sa Benham Rise na ikinabahala ng Department of Foreign Affairs na humantong sa paghingi ng klaripikasyon ng ahensya sa Beijing.

Facebook Comments