China, pumalag sa pagkakadakip sa Tsino na sinasabing nasa likod ng pag-espiya sa militar ng Pilipinas

Umalma ang China sa tinawag nitong shadow-chasing ng Pilipinas sa report hinggil sa pang-eespiya ng isang Chinese national sa Pilipinas.

Sa statement na ibinahagi ng Chinese Embassy sa Pilipinas, nakasaad na sa press conference sa Beijing, China ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning , inihayag nito na laging pinaaalala ng Chinese government sa kanilang nationals na tumalima sa batas at sa mga regulasyon ng bansa na kanilang kinaroroonan.

Nanawagan din ang Chinese official sa pamahalaan ng Pilipinas na protektahan ang mga karapatan at interest ng Chinese nationals sa Pilipinas.


Bukod sa Chinese na si Deng Yuanqing, arestado rin ang dalawang Pilipinong kasabwat nito.

Una nang inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na labas-pasok sa Pilipinas si Deng mula pa noong 2015.

Facebook Comments