China, tiniyak na masusing iimbestigahan ang Recto Bank incident

Tiniyak ng China ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa Recto Bank.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang – patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Pilipinas para sa isinasagawang imbestigasyon.

Giit ni Kang – iresponsable na ihambing ang relasyon ng Pilipinas at China sa nangyari sa Recto Bank.


Nagpaabot din ng pakikisimpatya ang China sa mga mangingisda sa Recto Bank at tiniyak na hindi maapektuhan ang pagkakaibigan ng dalawa bansa.

Facebook Comments