Chinese, 4 pang Pinoy, sabit sa telecom scam

3369

Mahigpit ang pagbabantay ngayon ng Bureau of Immigration (BI) laban sa limang indibidwal kasama ang isang Chinese na nagpakilalang nagmamay-ari ng isang telecommunications company at nanghiyakat ng investors upang magsilbing bagong network provider sa bansa.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng hold departure order at warrant of arrest ng Pasay City Regional Trial Court dahil sa kasong syndicated estafa laban sa limang indibidwal.

Kinilala ang Chinese national na si Neng Shen Sy habang ang apat na Pinoy ay sina Mark Glenn Sy, Felisa Sy, Stephen Sha at Ronald Fesalbon.

Ang lima ay nagpakilalang mga may-ari at kinatwan ng Pil-Chi Telecoms Inc. na may tanggapan sa Investment Center, Juan Luna St., Binondo, Maynila.

Ang HDO at warrant of ay ipinalabas ni Presiding Judge Rowena Nieves Tan kaugnay sa kinakaharap na kasong syndicated estafa ng limang indibidwal at walang kaukulang piyansang inirekomenda sa mga ito.

Sa impormasyon, kinumbinsi ng mga suspek ang isang negosyanteng Chinese, na tumangging magpabanggit ng pangalan dahil sa isyu ng seguridad, upang maglagak ng investment sa kanilang telecommunication company.

Dahil sa tiwala at pagnanasa na makapagtayo ng telco sa Pilipinas, nakumbinsi ang negosyante na maglagak ng kabuuang P100 milyon.




Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang lima kasabay ng panawagan sa iba pa nilang nabiktima na magsumbong at maghain na rin ng kaso.

Facebook Comments