Chinese at Filipino Vessel nagsalpukan sa West Philippine Sea; Filipino Vessel lumubog

1615

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagsalpukan ang Fishing boat na pagmamay ari ng mga Filipino at Chinese Vessel malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea nitong June 9, 2019 ng gabi.

Sa official statement ni Lorenzana sinabi nitong nang dahil sa salpukan lumubog ang Fishing boat ng mga Filipino na F/B Gimver 1 kung saan sakay ang 22 mangingisda.


Pero sa halip na tulungan ng mga sakay ng Chinese Vessel ay iniwan ng mga ito ang  22 mangingisdang sa lumulubog na Fishing boat.

Maswerte na lamang at nadaanan sila ng Vietnamese Vessel at agad na ni rescue  at dinala sa AFP Western Command.

Kinokondena ngayon ng Defense Department ang ginawa ng mga sakay Chinese Vessel, sinabi ni Lorenzana hindi nila inaasahang gagawin ito ng mga chinese na para sa kanya ay responsable at pala kaibigan.

Tiniyak ng kalihim na magsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay dito at maghahain ng diplomatic action upang hindi na maulit ang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers