Chinese Embassy, nagpa-abot na rin ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal

92

Nagpaabot narin ng tulong ang Chinese Embassy para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Ipinadaan ng Embahada ng China sa Manila City Government ang kanilang ayuda para sa mga biktima ng bulkang Taal sa pamamagitan ng pagdo-donate ng isang libong KN90 face masks.


 

Nangako naman si Mayor Isko Moreno na agad nilang ipamamahagi ang naturang face masks sa mga biktima ng bulkang Taal.

 

Kanina, nagpaabot naman ng tulong ang Chinese Coast Guard sa mga biktima ng pagputok ng Taal sa pamamagitan ng mga donasyong bigas, mantika at N95 masks na ipinadaan ng mga ito sa Philippine Coast Guard.

Facebook Comments