Chinese gang lider naaresto ng PNP CIDG sa Maynila

Timbog ang 33 anyos na Chinese national na umanoy lider ng isang criminal group matapos ang ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP CIDG.

Kinilala ang arestadong Chinese na si Sun Kai na umanoy lider ng Sun Kai Criminal Group na sangkot sa panloloko at pagdukot ng kapwa nila Chinese sa Pilipinas at sa China.

Ayon kay PNP CIDG Acting Director Brig Gen Joel Napoleon Coronel, nahuli si Sun Kai matapos na ireklamo ng dalawang Chinese na sina Zhang Xiao Long at Steven Chun dahil sa panghihingi ng suspek 200,000 pesos at ang kapalit ay hindi sila kidnapin ng grupo.


Dahil dito ikinasa ng CIDG ang entrapment operation at naaresto ang suspek sa isang hotel sa Mabini street sa Malate Manila.

Nakuha sa suspek ang isang libong pisong marked money, boodle money na 200,000 pesos at cellphone.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong robbery extortion.

Facebook Comments