Chinese gov’t, tiniyak na hindi nila paaalisin ang mga Filipino workers sa kanilang bansa

Itinanggi ng China na paalisin nila ang mga Pilipino sa kanilang bansa kapag pinalayas ang mga Chinese worker sa Pilipinas.

Ayon sa Chinese Embassy, hindi sila nangingialam sa internal affairs ng ibang bansa.

Tiwala rin umano sila na hindi ilegal na manirahan o magtrabaho ang kanilang mamamayan sa Pilipinas.


Giit pa ng embahada, sila mismo ang nagpapaalala sa kanilang mga mamamayan na igalang regulasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments