Chinese national, arestado matapos makuhanan ng ₱9.1-M halaga ng mga iligal na vape

Nasakote ang isang Chinese national matapos maaktuhang nagbebenta ng hindi rehistradong vape products sa isang operasyon ng CIDG Pampanga at Bulacan Provincial Field Units sa Barangay Prenza 1, Marilao, Bulacan.

Nasabat sa suspek na si alyas Ping ang 26,000 piraso ng “Eutral” brand vape na tinatayang nagkakahalaga ng ₱9.1 million.

Sa ulat ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Nicolas Torre III, lumalabas na walang kaukulang permit mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang produkto.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 19 ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Facebook Comments