Chinese national, timbog sa iligal na droga sa Zambales

Handcuffs

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 ang isang dayuhang Chinese matapos na mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Sto. Tomas Subic Zambales.

Kinilala ni PRO3 Regional Director PBGen. Valeriano T. de Leon ang suspek na si Jiafeng Lu, Chinese national, at residente ng Guangdong, China at pansamantalang nakatira sa Pasay City.

Ayon kay PBrig. Gen. de Leon, na si Lu ay nawawala sa Brgy. Sto. Tomas, Subic, Zambales kaya’t nilapitan siya ng barangay official upang alalayan at dalhin sa himpilan ng pulisya pero sa halip na sumama ay biglang itinapon ni Lu ang bitbit nitong paper bag at sabay takbo pero nahabol din siya ng barangay official.


Nakuha sa itinapon nitong paper bag ang isang maliit na lata na may lamang pinaghihinalaang shabu, 5 pirasong carton wrapper na may lamang drug paraphernalias, 1 pirasong yale key with number 878C at 1 pirasong cellphone.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments