Chinese Pres. Xi Jingpin, binati si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-42 anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa

156

Manila, Philippines – Nagpadala ng pagbati si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-42 anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa.

Maliban rito, nagpadala rin si Xi ng pagbati sa ika-119th ng araw ng kalayaan ng bansa.


Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Xi na nais niyang mas lalong gumanda ang tradisyonal na samahan ng Chinese at Pilipino.

Nakasaad pa dito na binibigyan niya ng importansya ang relasyon ng dalawang bansa at handa itong makipagtulungan para matuloy ang mutual assistance at suportahan ang common developments para sa benepisyo ng dalawang bansa.
DZXL558

Facebook Comments