Chinese Prime Minister, gagawaran ng full military honors bukas

47

Manila, Philippines – Bibigyan bukas ng full military honors sa kanyang departure si Chinese Prime Minister Li Keqiang.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, kabilang sa maghahatid bukas kay Prime Minister Li si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Alas-onse bukas ang departure ng Chinese premeir sa NAIA terminal 2.

Tanging si Chinese Prime Minister Li Keqiang ang binigyan ng departure at arrival military honors dahil state visit ang pagtungo nito sa Pilipinas.

Ilan ding kasapi ng Chinese community sa Pilipinas ang maghahatid sa punong ministro ng China bukas.

Facebook Comments