Chinese vessel na sangkot sa Recto Bank, pwedeng hingan ng danyos kapag napatunayang nagkasala

Maaaring humingi ng danyos ang mga Pilipinong mangingisda ng F/B Gem-Ver 1 kapag napatunayang may kasalanan ang Chinese vessel.

Ito ang pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) kasabay ng isinasagawa nilang maritime casualty investigation kaugnay ng nangyari.

Ayon kay PCG spokesperson, Captain Armand Balilo – nakasentro ang imbestigasyon sa salaysay ng mga mangingisda at ang kanilang nakita nang mabangga sila.


Mas maganda rin aniya kung makakuha rin sila ng report mula sa Chinese government para makita ang bersyon ng insidente mula sa nakabanggang barko.

Para kay dating Ambassador Alberto Encomienda, upang maiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan ay napapanahon ang pagkakaroon ng Code of Conduct o Cooperation Agreement sa pagitan ng mga bansang may claim sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments