Chinese vessels na nananatili sa Julian Felipe Reef, nananatili na lamang sa 32 – DND

335

Aabot na lamang sa 32 Chinese vessels ang nakahimpil sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sumusunod na sila sa pakiusap ng pamahalaan na umalis sa naturang bahura.


Pagtitiyak ng kalihim na patuloy silang mananawagan sa mga barkong nananatili doon na umalis.

Una nang sinabi ng Chinese Embassy na hindi permanenteng mananatili ang kanilang mga barko sa Julian Felipe Reef.

Facebook Comments