Chito Miranda, proud ibinahagi kung paano nakuha ng wife na si Neri Naig ang mga bagay na pinapangarap nito

107

Proud na ibinahagi ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, ang paghanga sa kakayahan ng kanyang misis na si Neri Naig na makuha ang mga bagay na pinapangarap nito.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Chito ang litrato ni Neri na nakatayo sa nabili nitong bukirin.


Kuwento ni Chito, noong una ay may pag-aalinlangan pa siya kung mabibili ito ng kanyang misis dahil ayaw nitong mahirapan sa pagbabayad o mabaon sa utang.

Pero nitong Oktubre nakaraang taon ay natapos na ni Neri ang pagbabayad sa inaasam-asam na lupa.

Sa ngayon, pinaplano na ng mag-asawang Chito at Neri na gawing farm ang lupain at magtanim ng iba’t ibang binhi at mag-alaga ng hayop.

Facebook Comments