Chooks-to-Go Pilipinas 3X3, may bago ng head coach

29
Photo Courtesy: Chooks-to-go Pilipinas

Itinalaga bilang bagong head coach ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 si dating University of Santo Tomas (UST) Coach Aldin Ayo.

Papangunahan ni Ayo ang bansa sa paparating na FIBA 3×3 Tournaments.


Ayon sa bagong head coach, nagpasalamat siya dahil panibago na naman itong dimensyon sa kanyang coaching career.

Hindi rin aniya siya makapaghintay na subukan ang new schemes sa half-court game dahil tanging full-length court siya nagtuturo.

Matatandaang una nang naging kontrobersiyal si Ayo matapos itong patawan ng pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ng indefinite ban dahil pagsuway sa protocol nitong quarantine period.

Facebook Comments