Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President Cup, pinayagan na ng IATF na simulan na ang kanilang mga laro

31

All set na ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 (3-on-3) President Cup na bubble type league na gaganapin sa Calamba, Laguna.

Ito’y matapos na makakuha sila ng permiso sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kung saan magaganap ang kauna-unahang conference nito mula October 16 to 31.

Dahil dito, lahat ng manlalaro at delegado ng 3×3 professional league ay sasailalim sa RT-PCR tests, isang linggo bago sila pumasok sa bubble at isang test pa ulit bago naman makapasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba habang ang lahat ng participant ay susubaybayan sa pamamagitan ng isang contact-tracing app.

Magkakarooon naman ng preseason ang 12 koponan sa October 19 at ang first leg ay sa October 21, na susundan ng mga laro sa October 23, 25 at 27 habang ang Grand Finals ay sa October 30.

Facebook Comments