CHOP CHOP | Mister, pinagputol-putol ang katawan ng kanyang misis

Manila, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ng naburyong na mister ang kanyang sariling asawa sa kanilang tahanan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Putol-putol ang ilang bahagi ng katawan ng ginang na si Heidi Estrera, partikular ang paa nito na ipinilit ipasok sa kanyang hiniwang tiyan.

Kwento ng suspek na mister na si Orlando, hindi na niya kaya at bigat na bigat na siya sa kanyang buhay dahil na rin sa kaliwa’t kanang problema kung saan nadagdag pa dito ang kaniyang misis na may sakit na myoma.


Sa salaysay pa ng suspek, binalatan pa niya ang maseselang parte ng katawan ng biktima saka tinapak-tapakan ang tiyan bago ito hiniwa saka hinanap ang fetus na pinagpaguran niya daw ng matagal na panahon.

Aminado sa krimen ang mister at sinabing guminhawa ang kanyang pakiramdam noong nakitang magkakahiwalay ang katawan ng kanyang asawa.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong parricide na may katumbas na habang buhay na pagkakakulong.

Facebook Comments