Chot Reyes, magbabalik bilang coach ng Gilas Pilipinas para sa 2022 FIBA Asia Cup

44

Magbabalik bilang coach si Chot Reyes sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2022.

Ito ang anunsyo ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon.

Napagdesisyunan ng SBP na ibalik Reyes sa hard court coaching bilang paghahanda ng mga manlalaro sa FIBA Basketball World Cup 2023.


Ayon pa sa SBP, tiwala silang makakabalik ang Philippine National Men’s Basketball team mula sa naturang pagkakatalo.

Nakatakdang magsisimula ang FIBA Asia Cup 2022 sa July 12 hanggang 24 kung saan gaganapin ito sa Indonesia.

Facebook Comments