CHR chairman Gascon, tinawag na pedophile ni Pangulong Duterte; Higit P600-milyong budget para sana sa CHR, pinalilipat na lang sa PNP

137

Manila, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon dahil sa labis niyang pagtutok sa mga kaso ng pagpatay sa mga kabataan.

Dagdag pa ng Pangulo, konektado si Gascon sa Liberal Party at oposisyon na nais magpatalsik sa kanya sa puwesto.

Tinawag namang “hurtful” at “unfortunate” ni Gascon ang pedophile remark ng Pangulo.

Samantala, hinikayat ni Duterte ang Kongreso na ibigay na lang sa Philippine National Police ang nasa P678-milyon na budget na para sana sa CHR.

Sa kanyang speech sa Davao City kagabi, sinabi ng Pangulo na pwedeng ipambili na lang ng mga body camera ang pera para sa mga pulis.

Una rito, inaprubahan ng Kamara ang pagbibigay ng isang-libong pondo sa CHR.

Facebook Comments