
Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang tangkang pagpatay sa isang radio broadcaster sa Talisay City, Negros Occidental.
Pinaulanan ng bala ang bahay ng 69-anyos na broadcaster na si Reynaldo Sioson noong April 20, kung saan nakakuha ng mga bala mula sa caliber 45 na baril ang mga awtoridad.
Pinagbabaril din ang sasakyan ng nasabing broadcaster na madalas nagkokomentaryo tungkol sa politika sa kanilang lugar.
Natuklasan din nakatanggap na ng death threats si Sioson noong 2018, ilang araw bago mag-file ng kandidatura sa pagka-konsehal.
Ayon sa CHR, ang pagtatangka sa buhay ni Sioso ay pag-atake sa buong industriya ng pamamahayag.
Facebook Comments