CHR, kinondena ang pagtatangka sa buhay ng provincial director ng Bangsamoro Human Rights Commission

111

Kinondena ng Commission on Human Rights ang pagtatangka sa buhay ni Atty. Ariff Lao, ang Provincial Director ng Bangsamoro Human Rights Commission.

Ayon kay CHR Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang nangyaring pamamaril sa sasakyan ni Lao noong Agosto 6
sa Sinsuat Avenue sa Cotabato ay sumasalamin sa pagpapatuloy na pagbabanta sa buhay ng mga human rights workers sa bansa.

Nanawagan si De Guia sa mga otoridad ng mabilisang aksyunan sa naturang kaso.


Sa pamamagitan aniya nito ay maiiwasang maulit ang pangyayari at mapapanagot ang mga nasa likod ng naturang karahasan.

Facebook Comments