CHR, kinondena ang pananambang sa suspended BuCor official na si Atty. Fredric Anthony Santos

Pumasok na rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pananambang sa suspended chief ng Bureau of Corrections o BuCor’s Legal Division na si Fredric Anthony Santos.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, nakikipag-coordinate na sila sa mga law enforcement authorities kaugnay ng kanilang sariling imbestigador ang CHR upang magsagawa ng hiwalay na pagsisiyasat.

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang nangyaring pananambang.


Hinamon ni de Guia ang gobyerno na bigyang hustisya ang sinapit ni Santos upang hindi na mangyari pa sa iba pang suspended na opisyal at personnel ng BuCor ang naturang karahasan.

Facebook Comments