CHR, may hawak ng medical result sa anak na ginahasa ng sariling ama

83

Dumaguete, Philippines – Hawak na ngayon ng Commission on Human Rights ang medical result ng anak na 17 years old na biktima ng panggagahasa sa sariling ama sa loob ng sampung taon nang ito ay 8 years old pa lamang.

 

Ayon kay Negros Oriental CHR Director Doctor Jess Canete sa interview ng DYWC-RMN aniya ay malaki ang tulong ng medical result na hawak nila upang masampahan ng kaso ang suspek na ama na ngayon ay naka-detain na matapos mahuli ng pulisya sa tulong ng Commission on Human Rights.

 

Ang suspek ay sasampahan din ng kaso sa paghawak nito ng baril, samantala ang anak naman ay nasa kustodiya na ng DSWD.



Facebook Comments