
Kinilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga makabagong pamamaraan na ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) upang mahikayat ang mga botante na lumabas ng kanilang mga bahay at bumoto sa katatapos na 2025 midterm elections sa kabila ng mga kaso ng mga karahasan na nauugnay sa halalan at sa isyu ng voter’s disenfranchisement.
Kabilang sa mga pinuri ng CHR ay ang paglalagay ng Comelec ng mall voting at ang early voting mechanism.
Gayundin ang pagpayag ng Comelec na makaboto ng maaga ng mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWD), at mga buntis.
Tinawag rin ng CHR na “kapansin-pansin na tagumpay” ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro ng mga Katutubong Badjao sa Barangay Manapa, Buenavista, Agusan del Norte sa eleksyon.
Pinuri rin ng CHR ang mga binuong lupon ng Comelec na humabol sa mga kaso ng vote buying, fake news, at mga pahayag ng nagpakikita ng diskriminasyon sa mga PWDs at kababaihan na humantong sa pag-isyu ng maraming show cause order laban sa mga pasaway na kandidato.