CHR, pumalag sa direktiba ni Pang. Duterte na ikulong ang hindi maayos magsuot ng face mask

138

Hindi sang-ayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin at ikulong ang mga hindi maayos na nagsusuot ng face mask.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, mas pabor sila sa makataong pagtrato sa mga violators sa quarantine protocols lalo pa’t marami na ang mga naiuulat na paglabag sa karapatang pantao.

Masyado na aniyang siksikan sa mga jail facilities at pwedeng pagmulan ito ng hawahan ng virus.


Mungkahi ni De Guia, paigtingin na lang ang information drive sa publiko.

Bgamaga’t quarantine ang bansa, hindi raw dapat ma-lockdown ang human rights.

Facebook Comments