Christmas party, hindi prayoridad ng Parañaque LGU

29

Hindi prayoridad ng pamahalaan lokal ng Parañaque ang pagsasagawa ng Christmas party dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, magpapalabas siya ng memorandum para kanselahin ang mga naka-schedule na Christmas party o anumang pagtitipon.

Ipinaliwanag ni Olivarez na ang perang gagamitin sa Christmas party ay ilalaan na lang ng lokal na pamahalaan sa COVID-19 response.

Diin ni Olivarez, sa halip na mag-party ay mas kailangang nilang tugunan ang pangangailangan ng mga taga-Parañaque na labis na naapektuhan ng pandemya lalo na ang mga nawalan ng trabaho.

Facebook Comments