CHRISTMAS RUSH | 2,500 traffic enforcers, pinakalat sa Maynila

Manila, Philippines – Nagpakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,500 traffic enforcers sa mga lansangan sa Metro Manila para sa Christmas rush.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago – asahan ang mas mabigat pang daloy ng trapiko ngayong dagsa ang mga mamimili at kaliwa’t-kanan ang Christmas party.

Nakaalerto rin ang mga tauhan ng MMDA upang mangasiwa ng trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila.


Facebook Comments