Christmas station ID ng RMN na “Makakarating Ngayong Pasko”, inilunsad na kahapon

470

Inilunsad na Kahapon, December 1 ang Christmas station ID ng Radio Mindanao Networks.

Pinamagatang “Makakarating Ngayong Pasko” ang awitin na may dalang iba’t ibang kwento ng pag-asa, pag-ibig at pagbangon.

Ipinakita rin sa Christmas Station ID ang pagpapanatili ng diwa ng kapaskuhan, malasakit at damayan nating mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.


Iba’t ibang bigating personalidad mula sa music industry ang kumanta nito kabilang na sina Martin Nievera, Ronnie Liang, Ana Ramsey, Liezel Garcia, Ella Nympha, Rhap Salazar, Jessa Zaragoza, Lani Misalucha, Hashtag CK, Wency Cornejo, Cooky Chua, Thor Dulay, at Makki Lucino, “Baby” Fabio Santos.

Mapapanuod ito sa official YouTube channel ng DZXL 558 at iFM Manila.

Facebook Comments