Christopher De Leon, ipinagtanggol ng anak sa alegasyong hindi sumunod sa protocol ng DOH

744

Ipinagtanggol ni Mariel De Leon ang kanyang amang si Christopher De Leon kaugnay ng alegasyong hindi ito sumunod sa protocol ng Department of Health (DOH)

Kasunod ito ng inilabas na tweet ng isang netizen na listahan ng mga personalidad na lumabag sa protocol ng DOH sa COVID-testing.


Say ni Mariel, hindi raw agad nagpa-test ang kanyang ama at nagdesisyon lang na magpa-test noong malala na ang kanyang lagnat.

Payo ni Mariel sa netizens na dapat ay huwag maniwala sa impormasyon ng hindi pa inaalam kung totoo nga ito.

Samantala, mabuti naman na ang kalagayan ng Hollywood Mega Star Tom Hanks at ng kanyang asawa matapos sumailalim sa self-isolation dahil sa COVID-19.

Facebook Comments