Chubby Anonymous Project ng PNP, isa sa ipinagmalaking accomplishment ni General Sinas bilang PNP Chief

30

Naging matagumpay ang ipinatutupad na Chubby Anonymous Project ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang ipinagmalaki ni PNP Chief General Debold Sinas matapos rin na kilalanin bilang “biggest loser” sa nasabing proyekto.


Kanina ay ginawa sa Camp Crame ang presentasyon ng mga pulis na may pinakamalaking nabawas na timbang kung saan pinangunahan ni Gen. Sinas ang pagbibigay ng award.

Si Gen. Sinas ay nakapagbawas ng 72 pounds sa kanyang timbang sa nakalipas na anim na buwan.

Matatandaang inilunsad ni Gen. Sinas ang Chubby Anonymous project nang umupo bilang PNP Chief, kung saan tuwing umaga at hapon ay may ilang minutong ehersisyo sa PNP.

Layunin ng programa na itama ang Body Mass Index (BMI) ng mga pulis na sobra sa timbang upang matiyak ang kanilang kalusugan sa harap ng pandemya.



Facebook Comments