
Inactivate na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Special Investigation Team nito para magbigay ng suporta sa nagpapatuloy na repatriation mission para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng tensyon sa Middle East.
Ang nasabing grupo ay mula sa Anti-Transnational Crime Unit kung saan sila ang magsasagawa ng interviews at screenings sa mga uuwing OFWs para malaman kung mayroong mga biktima ng trafficking o illegal recruitment.
Matibay itong makikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mabilis na makapagbigay ng tulong at legal na serbisyo.
Tiniyak naman ng CIDG na patuloy nilang tutugisin at pananagutin ang mga sangkot sa illegal recruitment at human trafficking na maglalagay sa mga OFWs sa mas malaking kapahamakan.
Kaugnay nito, hinimok ng CIDG ang publiko na tumawag sa numerong 0928-424-9263 para sa mga impormasyon o ulat kaugnay ng mga kahina-hinalang recruitment activities.










