
Arestado ang walong indibidwal dahil sa paglabag sa RA 11592 o LPG Industry Regulation Act.
Ito’y makaraang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit – NCR ang LPG refilling station na pagmamay-ari ng Pyro LPG Corporation sa Brgy. Sta. Quiteria, Caloocan City.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, huli sa akto ang ginagawang illegal refilling ng mga suspek.
Nasabat sa operasyon ang 38 empty cylinders; 42 filled cylinders; 2 weighing scales; 2 component hose; 2 refilling pump; 1 compressor; 1 bullet tank; ilang truck at van.
Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa may-ari ng naturang LPG refilling station.
Patuloy naman ang apela ng CIDG sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang mga ganitong ilegal na gawain.