CIDG, tinutugis na ang iligal na nag-o-operate ng e-sabong

67

Ipinag-utos na ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Eliseo Cruz ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng patuloy na operasyon ng online sabong o e-sabong.

Kasunod ito ng pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cruz, kumikilos na ang Special Operation Unit (SOU) ng CIDG para busisiin ang website at social media platform kung saan umeere ang e-sabong.


Nauna nang naaresto ng CIDG ang 40 na indibidwal noong Marso dahil sa ilegal na pag-eere ng E-sabong kung saan siyam sa mga ito ang nakasuhan na.

Facebook Comments