CIDU, tiniyak na tututukan ang kaso ng pagkamatay ng isang call center agent sa Quezon City

112

Tiniyak ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na tututukan nila ang kaso ng pagkamatay ng isang call center agent sa Bagbag, Quezon City.

Sa exclusibong panayam ng DZXL Rmn Manila kay Melva Talibong, sinabi nito na natagpuan ang anak na si Mike Nathaniel Talibong na wala ng buhay at may sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Ayon sa aming panayam kay Col. Elmer Monsalve, ang hepe ng CIDU, sinabi nito na inatasan na niya ang mga tauhan na tutukan ang kaso ni Mike Nathaniel Talibong.

Ngayong araw ay papupuntahin niya ang mga ito sa pamilya para sa mabilis na pag-usad ng imbestigasyon.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pamilya Talibong ang resulta ng autospy ng katawan ng kanilang anak upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Mike.

Ngayong araw, inaasahang malalaman naman ang CCTV malapit sa bahay ni Mike na posibleng magbigay ng impormasyon sa kanyang pagkamatay.



Facebook Comments