CILGO Cauayan City, Nagpaalala sa mga Pribadong Organisasyon na Sumailalim sa Akreditasyon!

*Cauayan City, Isabela-* Nagpaalala ang Cauayan City Interior and Local Government Office sa lahat ng mga pribadong grupo o mga asosasyon na sumailalim sa akreditasyon ng nasabing tanggapan.

Batay ito sa nakasaad sa Local Government Code of 1991 na kinakailangang sumailalim sa akreditasyon ang mga nasa Pribadong Kumpanya at mandato na rin ito ni Pangulong Duterte.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Raul Melegrito ang CILGO Officer sa lungsod, hindi maaring maging miyembro ng local body organization ang mga ito sakaling hindi sila sumailalim sa akreditasyon.


Inihalimbawa naman ni Melegrito ang Parents Teacher Association o PTA na kailangan din sumailalim sa akreditasyon upang maihanay sa pagbuo ng Local School Board.

Ayon naman kay City Mayor Bernard Dy, posible din na mabigyan ng ayuda ang mga grupong ito sakaling maisapinal na ang kanilang mga pangunahing requirements.

Nagbigay naman ng mensahe si Melegrito na maganda aniya itong oportunidad na sana ay tangkilikin ng mga Cauayeno.

Facebook Comments