
Cauayan City — Pinarangalan ang Lungsod ng Ilagan bilang tanging lungsod sa buong rehiyon dos ng Philippine Association of Local Government Accountants (PHALGA) sa 20th Annual National Conference ng Philippine Association of Local Government Accountants (PHALGA) sa Iloilo Convention Center.
Iginawad ang parangal bilang pagkilala sa “Unmodified Opinion” na ibinigay ng Commission on Audit (COA) para sa Financial Statement ng lungsod para sa Fiscal Year 2023, isang patunay ng malinaw, tapat, at maayos na pamamahala ng pondo ng bayan.
Tumanggap ng parangal sina Vice Mayor-elect Jay Eveson C. Diaz, City Councilor Rolando L. Tugade, at City Accountant Kevin Richard Agtarap.
Ayon sa mga opisyal, ang pagkilalang ito ay bunga ng mahusay na pamumuno ni Mayor Jay L. Diaz at patuloy na pagpapatupad ng mabuting pamahalaan at disiplina sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Ilagan.