Civil Service Commission, walang nakikitang paglabag sa regalong mamahaling sasakyan kay Pangulong Duterte

61

Manila, Philippines –  Naniniwala ang Civil Service Commission (CSC) na wala silang nakikitang paglabag sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nagbigay umano sa kanya ng mamahaling sasakyan na hindi naman tinanggap.

 

Ayon kay CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo – wala namang mali sa sinabi ng Pangulo.

 

Pero ayon kay University of the Philippines (UP) National College of Public Administration and Governance Dean Maria Fe Mendoza – hindi dapat ginagawang biro ang mga ganitong klaseng pahayag ng Pangulo.

 

Pero kung personal naman aniya na kilala ng Pangulong Duterte ang nagbigay ay maari pa itong makalusot.

 

Wala pang tugon ang Malakanyang hinggil dito.

Facebook Comments