CJ POST | JBC, nagsasagawa ngayon ng screening sa mga aspirante sa chief justice post

31

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng Judicial and Bar Council (JBC), na nagsasagawa ngayon ang screening ang JBC sa chief justice aspirants.

Kabilang sa mga aspirante sina Justices Antonio Carpio, Estela Perlas Bernabe, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Andres Reyes Jr.

Samantala, kinumpirma rin ni Guevarra na sa November 16 ay maglalabas na ang JBC ng shortlist para sa isang associate justice post.

Partikular ang pwestong binakante ni retired Chief Justice Teresita De Castro.

Facebook Comments