CJ POST | JBC, walang natanggap na opposition ng publiko sa mga aspirante

Manila, Philippines – Walang natanggap ang Judicial and Bar Council mula sa publiko na ano manng komento, pagsuporta o oposisyon para sa mga nais maging Chief Justice ng Korte Suprema.

Ang mga komento o oposisyon ay pagbabasehan ng JBC ng kanilang pagpili ng susunod na punong magistrado.

Kabilang sa mga aplikante sa chief justice post sina Associate justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Bernabe at Andres Reyes Jr.


Samantala, bukas magpapalabas na ang JBC ng shortlist para sa associate justice post na binakante ni dating Chief Justice Teresita De Castro nang mahirang ito bilang punong mahistrado.

Facebook Comments