Claudine Barreto, sinampahan ng kasong economic abuse ang dating asawa na si Raymart Santiago

Sinampahan ng aktres na si Claudine Barreto ng kasong ‘economic abuse’ ang dati nitong asawa na si Raymart Santiago.

Ayon sa kampo ni Claudine, matagal nang hindi nagbibigay ng sustento ang aktor para sa kanilang dalawang anak na si Sabina at Santino.

Nabatid na P100,000 kada buwan ang napagkasunduang sustento ng dating mag-asawa para sa kanilang mga anak.


Kasunod nito, nakatakdang magharap ang dalawang kampo sa isang pagdinig ngayong December 10.

Samantala, wala pa namang pahayag ang kampo ni Raymart sa nasabing isyu,

Matatandaang 2004 nang ikasal ang dalawa at nauwi sa hiwalayan noong May 2013.

Facebook Comments