Claudine Barreto, sinopresa ang kapatid na si Greta sa kaarawan nito

Tila natapos na ang halos anim na taong lamat sa relasyon ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barreto.

Mas sumaya pa ang 49th birthday ni Greta, nang dumating ang bunsong kapatid na si Claudine na may dala pang bouquet of balloons na mula sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino.

Sa Instagram stories, ipinakita ni Gretchen ang tatlong magkakasunod na video kung saan nasorpresa siya sa pagpunta ng kapatid.


Isang mahigpit na yakap naman ang naging pagbati ni Gretchen sa kapatid.

Akala ni Gretchen na hindi dadalo si Claudine, pero ang sagot sa kanya ng kapatid ay “not for anything”.

Tinawag ni Gretchen na “road to 50” ang kanyang selebrasyon dahil may pamahiin ang mga Pinoy na hindi magandang ipagdiwang ang birthday na tatawid ang edad na may numerong “9”.

Facebook Comments