Sunday, August 16, 2026

Claveria, Masbate, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bahagi ng Masbate, 8:54 AM ng July 13, 2026.

Natunton ang episentro nito 26 km timog-kanluran ng Claveria, Masbate.

Naramdaman ang instrumental intensity 3 sa bayan ng Legazpi, Albay; Bulan, Donsol, Juban, Magallanes, Sorsogon City.

Sa Gumaca at Mulanay, Quezon, bayan ng Ligao, Tabaco, Iriga, Pili, Ragay, at Sipocot naman, naramdaman ang instrumental intensity 2
Habang naramdaman naman ang instrumental intensity 1 sa Odiongan, Romblon; Sagñay, Camarines Sur; Batuan, Masbate; Bulusan, at Prieto Diaz, Sorsogon; Malinao, Aklan.

Walang inaasahang pinsala sa mga imprastraktura at inaasahan pa ang mga aftershock.

Facebook Comments