Clean Up Drive sa baybaying dagat ng Baseco sa Port Area ,Manila, ginagawa ngayon ng ibat ibang grupo

539

Aktibo na ang ibat ibang grupo na naglilinis sa baybaying dagat sa Barangay 649,District 5 Baseco  Port Area Manila.

Ngayong araw mga estudyanye, Non-Governmental Organisation’s o (NGO) at mga residente ng Baseco ang magkatuwang sa paglilinis mula  sa Aplaya hanggang sa Baseco.

Ang Clean Up Drive ay regular nang  ginagawa sa baybaying dagat mula nang pasimulan ang rehabilatasyon ng Manila Bay.

Kung dati rati ay napakadumi at tambak sa basura ang nabanggit na lugar ngayon ay malaki na ang ipinagbago at dinadayo na para paliguan  ang dagat.

Facebook Comments