Nagsagawa ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Purok 2, Barangay Malioer sa Bayambang nitong Miyerkules, Mayo 6.
Isinagawa ang operasyon matapos tamaan ng kidlat ang dalawang puno ng niyog na posibleng magdulot ng panganib sa mga residente at mga ari-arian sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan, agad na rumesponde ang MDRRMO kasunod ng kahilingan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang maisagawa ang clearing operation at matiyak ang kaligtasan ng komunidad.
Maingat na inalis ng mga responder ang mga napinsalang puno upang maiwasan ang posibleng pagbagsak nito at anumang aksidenteng maaaring idulot sa mga residente sa paligid.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag lalo kapag hindi maaliwalas ang lagay ng panahon at agad idulog sa mga awtoridad ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










