Cleveland Cavaliers – itinangging may iringan sina Lebron James at Kyrie Irving

NBA – Itinanggi ng pamunuan ng Cleveland Cavaliers na may iringan sa pagitan nina Lebron James at Kyrie Irving.

Una rito, kumalat ang balitang gusto nang lumipat ni Irving sa ibang team at i-trade ng Cavs.

Pero sabi naman ng may-ari ng team na si Dan Gilbert, itinuturing nila si Irving na isa sa best guards ngayon sa NBA at napakahalaga ng papel nito sa kanilang championship campaign.


Una nang umugong ang isyu na isa sa dahilan kung bakit gustong umalis ni Kyrie sa Cavs ay para kumawala sa anino ni James.

Tiniyak naman ni Gilbert na mananatili sa kanilang koponan si Irving lalo na at mayroon pa itong dalawa hanggang tatlong taong kontrata sa kanila.

Facebook Comments