Cleveland Cavaliers, pasok na sa finals ng NBA matapos talunin ang Boston Celtics sa game 5 ng Eastern Conference Finals

Manila, Philippines – Pasok na sa finals ng NBA ang Cleveland Cavaliers matapos na talunin ang Boston Celtics sa game-5 ng Eastern Conference Finals.

Tinambakan ng Cavs ang Celtics sa score na 135-102 at nanguna sa panalo ng Cleveland si Lebron James na may 35-points at 8-rebounds.

Sa naging interview kay James, nagpasalamat siya sa kaniyang mga ka-teammates na nag-step up sa laro kaya’t nakuha nila ang panalo at nalapagsan din niya si michael jordan sa nba’s all-time playoff scoring leader kung saan nakapagtala siya ng 5,989 points kumpara sa 5,987 points kay Jordan.


Ito naman ang ika-pitong sunod na finals appearance ni Lebron at kanila naman daw paghahandaan ang rematch sa finals kontra Golden State Warriors.

Ang game 1 ng NBA finals ay mapapanood sa June 2, alas-9:00 ng umaga sa mismong home court ng Golden State Warriors.
DZXL558

Facebook Comments