Cleveland Cavaliers, tinalo ng Golden State Warriors sa game-1 ng NBA finals

200

Manila, Philippines – Tinalo ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa game-1 ng NBA Finals.

Nanalo ang Warriors sa score na 113-90 kung saan naguna sa panalo sina Kevin Durant na may 38-points at Stephen Curry na nakakuha ng 28-points.


Sa postgame interview kay Durant, ikinatuwa nito ang pagka-panalo sa game-1 at kanila pa rin paghahandaan ang susunod na laro dahil siguradong babawi ang star player ng Cavs na si Lebron James

Mapapanood naman ang game-2 sa Lunes (June 5) sa Oracle Arena na mismong home court ng Warriors.

DZXL558

Facebook Comments